Photo lifted from drjaychildrensgriefcentre.ca
Hindi
man sadya nakakasakit din. Hindi man batid, nangangarap din.
Iba
man ang sinasabi ng panahon.
Iba man ang may tangan.
Saliwa man sa dapat
Kailangang manahimik lang.
Tahimik
na nakamasid. Tahimik na nangangarap. Tahimik na nandiyan lang.
Marahil
sa ibang pagkakataon. Malamang sa ibang panahon.
Hindi
man daratnan ng panibagong umaga sa kasalukuyang panahon.
Ngunit
mananatiling nandiyan lang.
Hanggang
sa isang araw sa tamang pagkakatao ay dumating din.
Hanggang
ang dating iba ang may tangan ay hawakan din.
Hanggang ang nandyan na ay
mapansin din.
Hanggang
ang mismong panahon ang magsabi . . . Ito na iyong dapat ay noon.
#
|