![]() |
Photo credits to www.post-gazette.com |
Hindi na ako natutuwa.
Nagsasawa ako na iisa lang
ang naririnig.
Sana man lang mayroon din nasaan ka na?
Na mayroon rin, late na bakit wala ka pa?
Hindi ako umiimik.
Wala halos mensahe
Baka sakaling mapansin mo.
Sa gabi, inaantay kita
Na kahit inaantok na
Umaasang baka sakaling kamustahin
moman lang.
Nasaan na ang taong minahal ko?
Nasaan na ang taong minahal ko?
Hindi ko siya makita.
Kung mawala kaya ako,
Kung mawala kaya ako,
Siguro, isang araw hindi ka masasaktan
Sapagkat hindi mo na rin ako nakikita.
Umiikot at natatapos ang araw sa buhay mo,
na buhay mo lang, wala na ako.
Malungkot na isang araw
muli akong magpapaalam
dahil naiwan na naman akong nagiisa.
Masakit kasi nakikita ko muli
ang sarili sa nakaraan,
na ang akala ko na hindi ko
kailangang iwan.
Na sa hinaharap, isang araw, kailangan kong muling pakawalan.
Sakaling mangyari nga maalala mo man lang sana kahit sandali ang kahapong nagdaan.
Sapagkat hindi mo na rin ako nakikita.
Umiikot at natatapos ang araw sa buhay mo,
na buhay mo lang, wala na ako.
Malungkot na isang araw
muli akong magpapaalam
dahil naiwan na naman akong nagiisa.
Masakit kasi nakikita ko muli
ang sarili sa nakaraan,
na ang akala ko na hindi ko
kailangang iwan.
Na sa hinaharap, isang araw, kailangan kong muling pakawalan.
Sakaling mangyari nga maalala mo man lang sana kahit sandali ang kahapong nagdaan.