THANK YOU

Photo credit to studioranslam.com
What if tomorrow never comes for me?   
Will I still be remembered?
Will my so called friends come and pay their last visit to me?
Will the people I am close to shed a tear?
Will they mourn when I am finally gone?
Will they cherish the memories of the times we once had?

If I’m gone tomorrow,
What would be left of me other than my name?
Have I done enough in this lifetime?
Was I a good person?
Was I kind to others?
Am I worthy of a eulogy?
I honestly don’t know.

Yes, it is another life realization for me.
In general, life is also about coming and leaving.
And as some people quote it, ‘we all shall bloom like a flower and fade.’
And before we knew it, our time will be up.
Worst, we could not even say goodbye
Especially to those people we care about and love.

So, to all those I love and continue to love and once have loved,
Thank you for the laughters, for the smiles and for the love
That made my heart happy and proud.
I am saying it today in case I miss my chance someday.
We never could tell because no one knows.
While I can, while still possible, while I have the chance – THANK YOU.




HINDI SADYA

Photo credit to culturalservices.net
Hindi man tukoy ang panahon        
Pabago-bago man ang init at ulan.
Hindi man batid ang hinaharap 
Ngayon ay nakakangiti na ng maluwag.

Siguro nga unti-unti ng paggaling
Sugat na gawa marahil ay naghihilom na rin.
Tiyak mag-iiwan ito ng marka 
Pero ito ay sugat na hindi sinadya.


Ilang panahon pa marahil tuluyang bubuti na
Ingat sa paglalakad upang hindi na madapa
Sakaling maulit man
Sana ay natuto na upang hindi na masaktan pa.



ISANG ARAW

Ngayon na dapat sana ay bukas pa.
Photo credit to freefoto.com
Bumalik ang mula sa kahapon.
Ang ngayon, na dapat bukas na
Muling napuno ng pagasa.

Kahapon na nasa ngayon,
ito na nga sana.
Pangarap na dati pa
Baka nga sana.

Naniwalang dala ay pagbabago
Baka sakaling maging totoo.
Madugtungan man lang, araw
Na galing sa nagdaan.


Isang araw na totoo, ang ilap naman.
Dumating man lang bago ako'y lumisan.
Araw na totoo, sana ako'y gisingin na.
Pagmulat ng mata sana ay malaya na.

Tahan na alam kong ikaw ay pagod na.
Kaunting tiis pa.
Isang araw sa susunod na panahon
Baka ito ay malapit na.

Kasarinlan sa paggising sana nga ay mahalaga
Batid namang kapalit ng kalayaan
Ito ay iyong paglisan.
Hindi mawari saang panahon ba dapat.

Akala marahil ito ay isang pigura lang
Daratnan at iiwan kung kailan kailangan.
Isang araw sa ibang panahon
Pigurang inakala bigla din maglalaho.

Sakaling wala na
Hanapin mo man lang sana.
Isang araw sa kahapon, ngayon 
at susunod na panahon.