Ngayon na dapat sana ay bukas pa.
![]() |
Photo credit to freefoto.com |
Bumalik ang mula sa kahapon.
Ang ngayon, na dapat bukas na
Muling napuno ng pagasa.
Kahapon na nasa ngayon,
ito na nga sana.
Pangarap na dati pa
Baka nga sana.
Naniwalang dala ay pagbabago
Baka sakaling maging totoo.
Madugtungan man lang, araw
Na galing sa nagdaan.
Isang araw na totoo, ang ilap naman.
Dumating man lang bago ako'y lumisan.
Araw na totoo, sana ako'y gisingin na.
Pagmulat ng mata sana ay malaya na.
Tahan na alam kong ikaw ay pagod na.
Kaunting tiis pa.
Isang araw sa susunod na panahon
Baka ito ay malapit na.
Kasarinlan sa paggising sana nga ay mahalaga
Batid namang kapalit ng kalayaan
Ito ay iyong paglisan.
Hindi mawari saang panahon ba dapat.
Akala marahil ito ay isang pigura lang
Daratnan at iiwan kung kailan kailangan.
Isang araw sa ibang panahon
Pigurang inakala bigla din maglalaho.
Sakaling wala na
Hanapin mo man lang sana.
Isang araw sa kahapon, ngayon
at susunod na panahon.
Sakaling wala na
Hanapin mo man lang sana.
Isang araw sa kahapon, ngayon
at susunod na panahon.