KAPIT LANG

Photo credit to bhrigumantra.com
Nakalutang habang hawak ka.        
Nakakapit sa isa't isa masayang tinatanaw lawak ng nakikita.
Masaya dahil ngayon lang nasubukan.

Tingin ko masaya ka naman ngunit ikaw ay napatingin.
Sa ibang gawi nakita ang iba.
Marahil nga ay mas masaya doon.
Hahawakan pa ba kita?

Panay ang lingon sa ibang gawi.
Kaninang ngiti unti-unti ng napapawi.
Kailangan na marahil.

Binitawan kita upang sa iba ay kumapit.
Kung saan Ikaw ay mas liligaya.
Salamat kahit saglit ako ay napasaya.

Kapit mabuti habang kasama ay iba.
Sakaling isang araw ikaw ay malula
Ako ay narito naghihintay sa iyo.

Parito ka upang ako sa iyo’y umalalay.
Magtiwala lang hindi kita bibitawan
Basta sana sa akin lang ang kapit

Kailan man hindi magsasawa
Basta sana tayong dalawa lang nandiyan.
Lumagaya sana kahit tayo lang.