ABSTRAK

Kung ang katapusan ay walang malinaw na simula
Paano ito dapat tapusin?
Photo credit to 7-themes.com

Kung ang simula ay hindi alam kung saan nagmula 
Bakit nga ba kailangan magtapos?

Kung ang simula at katapusan ay walang gitna
Ano ang kabuuan?

Kung ang kabuuan ay nagkalat na tuldok lang
Mabubuo pa kaya?

Kung lahat walang malinaw na anyo, letra at konteksto
May kahihinatnan pa kaya?

Ikaw na buo na kulang sa akin
Ikaw na walang simula pero kailangang wakasan.

Ikaw na hindi man nagsimula ay tapos na agad
Ikaw na sa tuldok nagsimula ako ay nagpapaalam.

Ikaw na gusto ko man angkinin
Sadyang hindi para sa akin.

Ikaw na hatid ay ngiti, tawa at saya
Ngayon ay nagpapaluha sa akin.

Ikaw na hindi man hawak ay kailangan ng bitawan.
Ikaw na ngayon magiging alalaala na lang.

Ako na nais sana ay Ikaw
Ako na pangarap sana ay Tayo.

Ako na sana bahagi Mo.
Ako nagpapaalam na talaga sa Iyo.