Naglalakad, tumatakbo.
Biglang huminto. Lumingon sandali.
Sumakay sa pinagsama-samang pawid.
Naglalayag sa gitna ng tubig.
Malayo. Hindi alam saan patungo.
Tahimik na hangin, ngayon ay malamig.
Napadpad sa lugar na hindi pamilyar sa akin.
Maganda. Masaya. Puno ng buhay.
Nakita ko. Nakita mo ba?
Sana dito na lang.
Sa akin na lang.
Umaga, araw at gabi nandiyan lang.
Tumatawa, ngumingiti at minsan umaawit.
Masaya, maligaya, sana mas magtagal pa.
Habang papalapit ako, lumalayo naman sa akin.
Gumalaw. Nauntog. Nagbago. Nawala.
Yung dating maganda at masaya biglang naglaho.
Ang kaninang maliwanag ngayon ay napaka-dilim.
Walang makita. Walang marinig.
Sumisigaw subalit walang tinig.
Walang nakakarinig.
Nasaan ako. Nasaan ka. Nasan sila.
Wala na. Nag-iisa sa kawalan.
patuloy na nadadapa.
Durog. Sugatan. Hindi makagulapay.
Buhay, oo pero hindi alam hanggang kailan.
Kung bukas darating at masisilayan sana nga.
Bagaman ito ay isa na lang pagasa - salamat.
Hanggang kailan?
Hindi din alam.
Paano na? Walang nakakaalam.