BATAYAN

Photo credit to pinterest.com

Batayan,
malawig
na
salita
na



kailangan intindihing mabuti.

Batayan, maaring patungkol sa isang salita na kung ia-analisang mabuti ito ay pamantayan.

Ngunit sa iyo may mabilis at malawak bang kahulugan ito?

Ito ba ay panununtanan mo ng narating mo sa buhay?

Ito ba yun mga bagay na nagagawa mo na dati ay kinakaya mo lamang?

Photo credit to aandbcounseling.com

Marahil kaya ito ay materyal na bagay na dati ay tinitignan mo lang.

Hindi kaya naman ito tumutukoy na sa kakayahan na may dalang kasikatan sa kasalukuyan na dati ay inaasam lang.

Saan ka man dinala, at ano man ang pakahulugan ng batayang nagsisilbing gabay ng ngayon para sa iyong bukas, hangad kong lagi ay magtatapos ito sa habang buhay na ligaya.