![]() |
Photo credit to pinterest.com via google.com |
Damdaming hindi maipaliwanag.
Hindi kayang matukoy
Ngunit kaya itong magdala ng galit at saya.
Hindi man maintindihan tunay na damdamin sa kanya.
Hindi man batid ang nararamdaman niya sa iyo.
Ngunit lahat ng pagkakataon sa kanya gugustuhin mo.
Nagtatanong man ang isip tama ba,
Hindi ito alintana sa ngayon.
Dala ng takot na matapos at lipasan ng sandali
Kaya nais na walang masayang na pagkakataon sa iyo.
Sana hindi magbago, lumipas at matapos ang lahat,
Kung ito man ang sinasabing pagmamahal sana maari itong magpakailan man.
#