Isang araw ay
nagising
nagising
akala mo ba’y
galing
sa ilang taong
pagkakahimbing -
sa ilang taong
pagkakahimbing -
ito ba ay realisasyon?
Anong nangyari?
Kabataan nasaan na?
Bakit tila lumipas ka na.
Masyado bang naging abala,
ngunit ng anong mga
bagay?
Bakit hindi ko matandaan.
Nang magising,
lahat na lang ay
napapansin.
Nagiba na pero hindi
naman masabi.
Madaming alaala
naglalaro sa isip
paulit-ulit, dumadalas.
Ano bang nangyari,
kailangan ba nito?
Minsan sa iyong pagdaan
gaano man iyon kasaglit
gaano man iyon kasaglit
dala mo pa rin ay
sakit
kasama mga pangalan o larawan
sa panahong nagdaan.
Orasan, hilahin mang pilit
hindi pa rin maibabalik
panahon na minsang nandiyan.
Maraming gusto,
maraming tanong
pero hindi maaring
mangyari.
Hindi na maibabalik
ngunit maaring ito'y maulit.
ngunit maaring ito'y maulit.
Sakaling ikaw’y magbalik
dalhin naman ay ngiti kaya tigil na pighati.