![]() |
Photo credit to balimanual.com |
Naghintay ako hanggang sa huling segundo.
Nagbabaka sakali na maalala mo.
Kahit na hindi na sa mismong araw, pero wala.
Hindi ka nagparamdam.
Hindi rin bumati.
Nakalimutan mo ba?
O baka hindi talaga alam.
O mas tama na wala na nga siguro.
Akala ko pa naman close tayo.
Tama naman sabi nila huwag assuming.
Sabagay, ako man hindi ko din alam ang sa’yo.
Okay lang lilipas din ito.
Tulad ng hiling ko sa iba, sana maligaya ka.