 |
Photo credit to tpzoo.wordpress.com |
Sa bilis ng galaw ng panahon,
Sa pagbabago ng maraming bagay sa paligid,
Sa maraming bagay na nangyayari
Madalas hindi na napapansin
May ibang bagay pa palang nandiyan.
Kaya madalas kapag biglang napahinto ka,
Kapag biglang tumigil sa karaniwang galaw o ikot
Doon lang nakikita, napapansin na may ibang bagay pa pala.
Dahil nasanay na, madalas sa iisang direksyon na lang,
Dahil sanay ka na, karaniwang yun na lang
Kaya din minsan nangyayari ang aksidente
kasi may naninibago, mayroong nabibigla.
At dahil nakatuklas ng bago sa paningin,
Isang araw susubukan ka, bibiruin.
Titignan kung gaano ka katatag.
Ikaw naman, mag-iisip magpapadala ka ba,
O hihinto sandali, o iikot sa mas malayo para magtagal pa.
Kalimitan kapag bago maganda, Nakakatuwa, gusto mo sana sa’yo
na lang.
Kaya lang ikaw sa sarili mo laging may tanong,
Kailangan pa ba? Hindi ba sisikip lang o baka magpagulo?
Alam mo ang sagot, pero dahil gusto mo kaya sige lang,
Bahala na, kaya gagawin mo pa rin.
Habang tumatagal ang bago nagiging luma.
Nagiging bahagi ng araw-araw na buhay.
Isang araw mapapaisip ka, mas okay ba ito kesa sa dati?
Babalik ka ba sa nauna, tapos iyong bago?
Dahil ayaw mong pumili, salitan na lang.
Sa huli, kung anong mas matatag ‘yon ang matitira,
‘Yun ang maiiwan sa’yo kasi nandiyan na pareho.
Kung hanggang kailan, bahala na.