![]() |
Photo credit to marblehill.com.au |
Kung ang kahapon ay ngayon gugustuhin mo ba?
Kung ang ngayon ay kahapon papayag
ka ba?
At kung ang bukas na darating ay
pinagsamang
kahapon at ngayon handa ka ba?
Pangarap sa hinaharap sasamahan
mo ba?
Minsan pinangarap at ngayon
nandiyan na
Pangarap pa rin kaya o mangyayari
na?.
Kailan magiging tama ang panahon
para sa pangarap noon at ngayon?
Magtagpo kaya ang dati at ngayon?
At ang bukas at hinaharap?
Isang araw sa tamang panahon para
sa pinagsama-samang pagkakataon
Mangyari nga kaya o lilipasan
lang muli ng panahon.
Pagkakataon nakatakda nga ba para
ngayon o sa buhay sa ibang panahon?