PAANO NGA KAYA

ako lang ba ito? 
  o ganoon din ang iba?

nagbabasa, tumitingin
  bigla nakita kita.
  pangalan mo dala lagi ay
  ngiti at tanong.

tulad ng huling sinabi mo,
  paano nga kaya.
 
nagulat ako, nagbigla.
 akala ko ako lang.
  akala ko sa akin lang iyon.

noong una, may panghihinayang
  kasi minahal kita
  pero natakot ako,
  nanatiling kaibigan.

gabi-gabi halos kausap ka,
   ikaw naman, hiling lagi
   ay makausap ako.

bigla sa isang iglap
  natapos, nagbago
  hindi ko alam bakit,
 paano natapos.
  ikaw ba o ako?

hindi ko maalala,
  hindi ko kayang sagutin.
 nagalit ka ba o
   nagkulang ako?

anong nangyari,
  hindi ko talaga alam
natapos na lang.  

ngayon, kapag nakikita ka,
  mga larawan mo,
  ang pangalan mo,
  laging bumabalik
   ang huling sinabi mo,
  paano nga kaya KUNG NAGING TAYO.