[credit to Joan Dairo. Salamat sa picture at sa art) 
Puno man lagi ng pagbabago, may dala man laging hirap,
buntot man ng bawat tawa ay kalungkutan.

Hindi man mangyari ang inaasahan natin,
sana nakikita pa rin natin na masarap mabuhay.

Maaring kulang tayo sa pamantayan ng tao.
Hindi nasusubukan ngayon ang nagagawa   ng iba.

Hindi man natin alam saan tayo dadalhin ng panahon.

Sana hindi tayo mapagod, hindi magsawa.
   
Hindi natin makita marahil sa ngayon,
       pero mayroon din tayong mga bagay 
          na wala naman sa karamihan.
      
Mga bagay na sa kanila pala ay mahalaga,
       mga bagay na inaasam naman nila at hinahangad na sana.

Kapain mo sa puso mo IKAW lang, TAYO lang 
 na wala ang maraming bagay ang meron niyan.
              
Ikaw, ako, tayo na nangangarap na magkaroon 
 – KAPAIN mo lang sa puso mo, MASUWERTE din tayo.