[minsan.isang panahon nandiyan ka din ba?] 

SA DYIP . . . 

   sa dyip,
       unang nakita ka.

  sa dyip, 
       una mong ngiti,

  sa dyip,
       naramdaman
       ikaw din ay may
      pagtingin.

sa dyip,
      narinig matamis mong pagbigkas.

sa dyip,
    naging saksi panahon
ng pagmamahalan.

sa dyip,
maraming tampuhan

sa dyip,
kasama ang 
maraming 
pangarap,

sa dyip,
naglalakbay
 kasama ka.

sa dyip,
maraming naging 
pangako,

sa dyip,
kasamang umasa,

sa dyip,
 naramdaman mawawala na.

sa dyip,
maraming pagluha,

sa dyip,
umaasa muling
masisilayan pa  . . .