Balisa marahil.
Hindi mawari
Anong nangyari.
Kamay sa talukap
Ng mata
Ng mata
Pilit sinisipat ka
Huli ka na.
Dati rati
Sa ganitong oras
At pagkakataon
Bakit?
Anong nangyari?
Narito ako’t
Naghihintay sa’yo.
Nagbabakasali
Muling matanaw ka.
Bakit nagkaganoon
Ngayon ay nabigo ka.
Pagkakataon lang ba?
O sadyang hindi na
Darating pa.
Madalim pa rin
Dapat sana’y
Nariyan ka na.
Marahil bukas
Sisikat ka na.
Oh araw na aking
sinta
Na miss kita.