DOMINIQUE



sa karaniwang pagkakataon,  
sa ganitong araw ay
aawitan kita.

maligayang bati
sa iyong pagsilang.
maligayang, maligaya
maligayang bati.

subalit dahil lipas na
ang karaniwang pagkakataon,
na meron tayo
hindi ko ito nagawa.

malungkot man
at may pagdaramdam,
hangad ko pa rin iyong
kasiyahan sa araw na ito
at sa mga darating pa.

hindi natin kapwa ninais
ang malayo sa isa’t isa.
hindi ako magaabang
ngunit aasa na
isang araw, 
ikaw ay muling makikita.

na isang araw
muling maglalapit
ang mundong pinaglayo 
ng sakit at hapit.